Seaman napagtripang itumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napagtripang patayin ang 37-anyos seaman matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Nilapaan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktimang si Christopher Abuan nang mapagtripang harangin at ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan. Naisugod pa sa bahay-pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments