Broker sa Batangas wagi ng P10M sa lotto

MANILA, Philippines – Isang real estate broker mula sa lalawigan ng Batangas ang nagwagi ng P10.4 milyon jackpot ng 6/42 lotto na binola nitong Marso 14.

Tinamaan ng 58-anyos na winner ang 04-06-10-17-22-28 combination na binase niya sa kaarawan ng mga kamag-anak, ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) acting chairman and general manager Jose Ferdinand Rojas.

Dagdag niya na may tatlong anak ang broker na tumataya sa lotto mula pa noong 1995.

“He (winner) plans to pay off his debts, invest in business and save for his childrens’ education,” sabi ni Rojas.

Si Rojas mismo ang nag-abot ng tseke sa broker na inilahad pa sa kanya ang dinaang paghihirap sa buhay.
 

Show comments