Akyat-bahay inutas ng lolo

CAVITE, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong pagbabarilin ng  72-anyos na lolo sa Barangay Medicion 2D sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng bala sa katawan ang biktimang si John Carlo “Cebu” Papa habang kinilala naman ang gunman na si Ambrocio Bautista ng nasabing barangay.

Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na nanonood ng telebis­yon ang matanda kung saan nagpapaantok sa sala nang makarinig ng kaluskos mula ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Kaagad naman inusisa ng matanda kung saan naaktuhan nito ang kawatan na bitbit ang plastic bag ng kanyang gamot at malaking halaga.

Dito agad na pinagbabaril ng matanda ang akyat-bahay hanggang sa mapatay.

Nabatid na winsak ng akyat-bahay ang screen ng bintana ng bahay kaya nakapasok habang narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Show comments