13-anyos na kawatan binoga, kritikal

MANILA, Philippines – Agaw-buhay ang 13-an­yos na totoy na sinasabing notoryus na magnanakaw matapos itong barilin ng anak ng barangay kagawad sa Sitio Sampaloc Drive, Barangay Baliwasan Chico, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Itinago sa pangalang Mohammad ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib kung saan ginagamot sa Zamboanga City Medical Center habang pinaghahanap naman ang suspek na si Muhaimin Lacbao. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naaktuhan ng suspek ang biktima na umaaligid sa kanilang bakuran na sinasabing mukhang naghahanap na naman ito ng mananakaw. Sa tala ng pulis­ya, lumilitaw na ang biktima ay kilalang kawatan sa nasabing lugar na maraming beses nang naaktuhang nagnanakaw sa compound ng mga bahay.

Show comments