Pumatay sa hepe utas sa shootout

CAVITE, Philippines  – Bulagta ang sinasabing pumatay sa hepe ng pulisya matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang pinagkukutaan ng suspek na si Amiel “Waway” Cabacaba sa Sitio Malipa sa Barangay Maguyam. Gayon pa man, nakatunog si Cabacaba kaya sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ito. Sa tala ang pulisya, si Cabacaba ay itinuturong bumaril at nakapatay sa hepe ng pulisya sa bayan ng General Mariano Alvarez na si P/Senior Inspector Leo Angelo Llacer noong Enero 14, 2015.

 

Show comments