Lalaki nag-suicide sa NLEX

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatay ang sinapit ng di-kilalang lalaki matapos itong magpasagasa sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Barangay Patubig, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng biktimang nagkadurug-durog ang katawan na inilalarawan lamang sa 45 hanggang 50-anyos, may taas na 5’ 2” talampakan, maputi ang buhok, naka-t shirt at itim na short pants. Ayon kay PO3 Marcelo Galsim, biglang tumawid ang biktima sa NLEx saka umupo sa gitna ng concrete barrier saka tumalon kaya nahagip ng mga sasakyan. Hindi naman nahagip ng CCTV camera ang mga sasakyang responsable sa nasabing insidente habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments