3 dedo sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang dalawa naman ang kritikal sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa mga bayan ng Lallo at Gonzagan sa Cagayan kamakalawa. ?

Patay na nang maisugod sa pagamutan ang binatil­yong si Theus Go at ang magsasakang si Junjun Ubare, 32, matapos magsalpukan ang kani-kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Magapit, bayan ng Lallo. ?

Tumilapon at kritikal na naisugod sa Matilde Ovilas District Hospital sa bayan ng Camalaniugan ang dalawang kaangkas ni Go na sina Kevin Dupaya, 17; at Kriston Manuel,17. ?

Sa bayan ng Gonzaga, sumalubong kay kamatayan ang 44-anyos na biyudong si Edwin Magunddayao matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo dahil sa mga nakakalat na butil ng mais na ibinibilad sa kahabaan ng highway ng Barangay Pateng. ?

Ayon kay P/Chief Insp. Gabriel Mukay Jr, hepe ng Gonzaga PNP, tumilapon ng 30-metro sa kalsada ang biktima mula sa kanyang motorsiklo.?

Kinaugalian ng mga magsasaka sa kanayunan ang ibilad sa kalsada ang mga inaning butil na mais at palay subalit may nakaambang panganib sa mga motorista.

Show comments