Cashier sa canteen, nilikida

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang 29-anyos na cashier sa canteen ng Universal Robina Corporation matapos itong saksakin ng mga di-kilalang lalaki sa bakanteng lote sa Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Tadtad ng saksak at walang saplot pang ibaba ang biktimang si Ryan Romen ng Pueblo FCIR compound sa Barangay Langkaan 1 sa nasabing lungsod. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, bandang ala-1:45 ng hapon nang matagpuan ng ilang linemen ng Meralco nag-i-inspect sa linya ng kuryente sa bakanteng lote. Pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar ang biktima saka inabandona sa nasabing lugar upang iligaw ang mga imbestigador ng pulisya.

Show comments