Ama nilitson ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napagtripang litsonin ang 50-anyos na ama ng kanyang anak na lalaki na sinasabing adik na nawala sa katinuan kamakalawa sa Barangay Paddaya sa bayan ng Appari, Cagayan.

Kinilala ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang suspek na si Sherwin Urmanita na sinasabing ex-convict sa kasong arson at kalalabas lamang sa mental hospital nang maganap ang insidente. Ayon sa ama na si Roel Urmanita, nagising na lamang siya nang maramdaman ang init na bumabalot sa kanyang katawan dakong alas 8:30 ng gabi. Nabatid ng matanda na sinilaban na pala siya ng anak na nadatnan niyang nakamasid lamang sa kanya at nakangiting sinabing “papatayin kita.”

“Kaagad na tumakas ang suspek na nawala na sa sarili subalit nasakote sa follow-up operation ng pulisya habang isinugod naman sa ospital ang biktima na lapnos ang iba’t-ibang bahagi ng katawan.?

Show comments