3 dedo sa road mishap

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na road mishap sa Barangay Sina­wingan, bayan ng Libungan, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jojet Nicolas, hepe ng Libu­ngan PNP ang mga namatay na sina Engr. Soriano Mastura, 24, kawani ng DSWD-ARMM na driver ng itim na Hilux pick-up truck; Dave Matala na nakaupo katabi ng driver’s seat na kapwa taga- Cotabato City; at si Sheila Gatoc, 27, ng Barangay Sinawingan. Sugatan naman sina Abdul Malik Ogokun at Adrian Dimatingcal na nakasakay sa likuran ng pick-up ni Mastura.

Base sa police report, nawalan ng control sa manibela si Mastura nang mag-overtake ito sa isang fish cart kaya nasalpok si Gatoc na nagwawalis sa gilid ng kalsada.

Nagtuluy-tuloy ang sasakyan ni Mastura sa mga punungkahoy kung saan nahagip ang pader ng klasrum ng Sinawingan Elementary School.

Napag-alamang papauwi na sa Cotabato City ang mga biktima mula sa Davao City nang makasalubong si kamatayan.

Show comments