Mag-ina, 2 pa tiklo sa buy-bust

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-ina at dalawa pa nitong kasama sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Doña Aurora Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Biyernes ng hapon. Pormal namang kakasuhan ang mga suspek na sina Yolanda “Taya” Bai Ali, 40, dalaga; Bai Ali Abid Mamaril, 25; at ang mag-inang sina Faisal Ali Luna, 20, binata; at si Fatima Ali Luna, 42, pawang nakatira sa nasabing lugar. Nasamsam sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at mga plastic sachets na may lamang malaking halaga ng shabu.

Show comments