Bike vs truck: 3 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang dalawang guro ang namatay matapos araruhin ng truck ang kanilang motorsiklo sa overflow bridge sa Barangay Cansan, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng Cabagan PNP ang mga namatay na sina Ronald Valdez, Edna Martinez, at si Emily Liquigan na kapwa guro habang kritikal namang naisugod sa Milagros District Hospital si Fernando Martinez Jr. Lumalabas sa im­bestigasyon na nawalan ng preno ang truck ni Dominador Barrientos ng Cabatuan, Isabela kaya nagtuluy-tuloy na kinaladkad ang dalawang motorsiklo na kanyang sinusundan sa makipot na overflow bridge dakong alas-7 ng umaga. Kusang sumuko sa pulisya ang driver ng truck na si Barrientos matapos ang insidente.

Show comments