Gun-for-hire dedo sa shootout

STAR/File photo

CAVITE, Philippines - Isa sa dalawang gun-for-hire ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng highway sa Barangay San Agustin, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa ng gabi. Bineberipika pa ang pagkakakilanlan sa napatay na gunman habang nakatakas naman ang kasama. Base sa police report, namataan ng mga pulis ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo matapos ipaabot ng mga opisyal ng barangay na armado ang dalawa. Tinangkang sitahin ng mga pulis ang dalawa subalit may ilang metro pa lamang ang layo ay pinutukan na sila hanggang sa mauwi sa barilan kung saan napatay ang isa. Narekober ang isang improvised shotgun at motorsiklong may plakang WM1981 na ginamit ng dalawa.

Show comments