Mister may diabetes, nagbigti

QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 53-anyos na mister makaraang magbigti dahil sa iniindang sakit na diabetes kamakalawa ng umaga sa Sitio Puntol, Barangay Cabay sa bayan ng Tiaong, Quezon. Natagpuang nakabitin sa puno ng camias dakong alas-9:45 ng umaga ang biktimang si Agapito Sanggalang. Sa ulat ng pulisya, ilang linggo na umanong kinakitaan ng depresyon ang biktima dahil sa kinakaharap na sakit na diabetes. Pinaniniwalaan ng mga kaanak nito na isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal nang magsialisan ang mga kasama sa bahay. Tony Sandoval

 

Show comments