Magka-live-in tiklo sa panghoholdap

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang magka-live-in matapos hol­dapin ang isang taxi driver sa Barangay Poblacion, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jaime Gumayas, 27; at Irish Conviene, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Malinta sa Valenzuela City. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, ang mga suspek ay inireklamo ng driver ng RhonJen Transport Taxi na si Epril Nacino, 38, ng Libis Espina, Caloocan City. Lumilitaw na nagpahatid ang mga suspek sa nasabing barangay matapos na sumakay sa taxi ng biktima mula sa Caloocan City.  Nagdeklara ng holdap ang mga suspek saka kinulimbat ang kinita ng biktima bago tumakas. Kaagad namang naipaabot sa himpilan ng pulisya ang naganap na insidente kaya nasakote ang mga suspek.

Show comments