15-anyos binoga sa mukha

CAVITE, Philippines – Dahil sa pagyayabang ay nabaril sa mukha at napatay ang 15-anyos na totoy matapos makalabit ang gatilyo ng baril na pinaglaruan ng kasama ng bata sa kanilang piknik sa Barangay Delas Alas sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng hapon. Hindi na naisalba ang buhay ni Rheynere Halili ng Block 15 Lot 26 sa nabanggit na barangay habang tumakas naman ang suspek na si Rogelio “Ogie” Bernales, 42, ng #244 Joshua Street sa nasabing barangay. Ayon kay P01 Jayson Feranil, pinaglaruan ng suspek ang cal. 22 rifle saka itinutok sa mukha ng biktima subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabit nito ang gatilyo kaya tinamaan sa mukha ang bata.

Show comments