Ama kinatay ng anak na adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na ama matapos itong pagtatagain ng sariling anak na adik sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay Del Carmen sa bayan ng Uson, Masbate kahapon ng umaga. Nagmistulang kinarne ang katawan ng magsasakang si Edgar Catarinin habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rey Catarinin, 25, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan. Base sa police report, nag-aalmusal ang biktima nang dumating ang suspek na lango pa sa bawal na droga kung saan muling sinermunan ng kanyang ama. Gayon pa man, kaagad na nagpunta sa kusina ang suspek at nang bumalik ay pinagtataga ang kanyang ama.

Show comments