Barangay kagawad nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Itinumba ang 36-anyos na negos­yanteng barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kanyang tindahan sa Barangay Mahayahay, bayan ng Placer, Masbate, kahapon ng umaga. Dakong alas-10 ng umaga nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen ang biktimang si Kagawad Arnel Ragot sa loob ng kanyang tindahan. Nabatid na nagpanggap na bibili ng tinapay ang gunmen saka isinagawa ang pamamaril. Bantulot naman tumulong ang ilang residente na nakasaksi sa pamamaril dahil sa takot na madamay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments