Kagawad dinedo sa hapag-kainan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 45-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay GRS sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Mother Seton Hospital subalit idineklarang patay si Kagawad Granwel Aro Linao matapos itong mapuruhan sa likurang bahagi ng ulo. Base sa police report, naghahapunan ang biktima sa kusina ng kanyang bahay nang lapitan at putukan ng di-kilalang lalaki. Maging ang asawa at mga anak ng biktima ay nabigla sa nasaksihang pamamaril kung saan mabilis na tumakas ang gunman.

Show comments