Jeepney bumaliktad: 3 utas, 33 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang tatlumpu’t tatlo naman ang nasugatan matapos bumaliktad ang jeepney na nawalan ng preno sa buludunduking bahagi ng Barangay Junction sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga kamakalawa ng hapon. ?

Kinilala ni P/Senior Insp. Francisco Ben, hepe ng Pinukpuk PNP ang mga namatay na sina Michael Bagbago, 29; Jovilyn Canias, 12; at si Rolino Sagayo, 20.

Kabilang sa mga nasugatan ay labing-apat ang nasa kritikal na kondisyon na kinilalang sina Amilyn Caddawan, Genevivie Caddawan, Bonbon Paguyud, Carmela Andres, Frean Mae Caddawan, Carmela Andres, Natividad Datul, Rica Salipnget, Ramon Salipnget, Marvin Salipnget, Jared, Mac-mac, Menio, at si Pearlyn Canias. ?

Base sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima mula sa pagtitipon ng Pentecost Assembly of God nang nawalan ng preno ang jeepney (BVH 395) na minamaneho ni George Caddawan 45 pagsapit sa pababang at kurbadang bahagi ng highway.

Show comments