Babae inarmalite, dedo

Duguang nakahandusay ang di-kilalang babae matapos itong ratratin ng armadong grupo ng kalalakihan sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

CAVITE, Philippines – Naalarma ang mga residente sa patuloy na dumarami ang nagaganap na krimen sa Dasmariñas City kung saan isa na namang di-kilalang babae ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng armadong grupo saka inabandona sa gilid ng Molino-Paliparan Road sa Barangay Salawag sa nabanggit na lungsod kamakalawa. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa biktimang may edad na 35 hanggang 40 na may maayos na pangangatawan at naka-t-shirt na may kuwelyo at maong pants. Narekober sa crime scene ang dalawang 2 basyo ng bala ng M16 Armalite rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments