2 patay sa pamamaril

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa. Unang napaslang ang 68-an­yos na lolang si Remedios Ascueta matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang salarin habang umiihi sa labas ng kanilang bahay sa liblib na Barangay Pateng sa bayan ng Gonzaga, Cagayan. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at isang slug ng Carbine. Samantala, napatay din ang 43-anyos na Warlito Israel na susunduin sana ang kanyang misis sa trabaho matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Dagupan, bayan ng Lallo, Cagayan.?

Show comments