3-anyos nene niluray ng 70-anyos lolo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Naluray ang murang katawan ng 3-anyos na nene matapos halayin ng 70-anyos na lolo sa bisinidad ng kiskisan ng palay sa Barangay Quibal, bayan ng Peñablanca, Cagayan kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Jonalyn Tecbobolan, hepe ng Penablanca PNP, nadatnan ng nakasaksing residente ang suspek na si lolo Melanio Taguibao at ang tumatangis na biktimang itinago sa pangalang Remedios Remedios na kapwa walang saplot. Base sa police report, tiniyempuhan ng suspek na nagtatanim sa palayan ang ama ng bata saka tinangay nito ang biktimang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay. Pormal naman na kinasuhan ang suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya.

Show comments