Barangay kagawad itinumba

NORTH COTABATO, Philippines  – Pinabulagta ang beteranong barangay kagawad makaraang pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa harapan ng gasolinahan sa General Santos Drive, Barangay Zone I, Koronadal City, South Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa dibdib at likurang bahagi ng katawan si Kagawad Jun Sabino ng Barangay New Bantangan sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat. Kaagad na tumakas ang dalawang suspek sakay ng traysikel (7592-MG) na sinasabing nakarehistro sa pangalang Primitivo Bayloses Jr. ng Sitio Kadidang, Bo. 5 sa nasabing lungsod. Ayon kay Koronadal City PNP deputy chief of police P/Insp. Rey Igos, nasakote naman ang mga suspek sa bahagi ng Barangay Morales matapos ang hot pursuit operation ng pulisya. Narekober sa crime scene ang duguang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

 

Show comments