2 sundalo utas sa NPA sa Davao Oriental

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang nasawi sa pag-atake ng New People's Army (NPA) sa Mati City police station sa Davao Oriental kagabi.

Sinabi ni 1st Lt. Vergel Lacambra tagapagsalita ng 10th Infantry Division na bandang 7:30 kagabi nilusob ng NPA ang istasyon ng pulis.

Walang nasawi sa hanay ng mga pulis na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde.

Kaagad din naman nakaresponde ang militar na hinabol ang mga tumakas na miyembro ng NPA.

Nasawi ang dalawang sundalo matapos magpasabog ng improvised explosive device ang armadong grupo.

Isa naman ang kumpirmadong nasawi sa NPA.
 

Show comments