Senglot nanaksak, tiyuhin utas

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister matapos na pagsasaksakin ng lasenggero nitong pamangkin na ikinasugat rin ng ama ng huli kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tulay, Maragondon, Cavite.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ruel Lachina, welder, nasa hustong gulang, residente sa lugar at tiyuhin ng suspek. Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang ama nitong si Toribio Eupalao Sr., 53, may-asawa at welder.

Tumakas nman ang suspek na nakilalang si Angelito Eulapao, 32 mag asawa, welder, ng nasabi ring lugar, anak at pamangkin ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PO2 Teddy Labampa, may hawak ng kaso alas-9:50 ng gabi ng maganap ang insidente, habang nasa loob ng kanilang bahay ang dalawang biktima ng dumating ang suspek na lasing.

Nagkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng suspek at ng kanyang ama hinggil sa halos araw araw na paglalasing nito at gastusin.

Bigla na lamang umanong humagilap ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang dalawang biktima. Iniim­bestigahan pa ang kaso.

Show comments