Ret. police captain, utas sa NPA rebels

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang retiradong opisyal ng pulisya sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), matapos na pagbabarilin sa loob kanyang bakuran kahapon ng umaga sa Barangay Balete, Bacon District, Sorsogon City.

Nakilala ang biktima na si ret. Senior Insp. Augorio Cora­nes, 70, ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga habang ang biktima ay abala sa pagdidilig ng mga pananim sa bakuran ng kanyang bahay kasama ang kanyang misis nang tatlong miyembro ng rebeldeng NPA lulan ng motorsiklo ang bigla na lamang na dumating at walang sabi-sabing nilapitan ng mga ito ang biktima at saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaslang ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Sa kasalukuyan masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito.

Show comments