Guro nilikida

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napaslang ang isang pampublikong guro ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Suniknipan 1, Del Gallego, Camarines Sur  nitong Miyerkules  ng gabi.

Kinilala ni Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Primo Golingay ang nasawing biktima na si Jomar Rufo, nasa hustong gulang, isang aktibong guro sa pampublikong paaralan sa lugar na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. 

Sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril sa biktima sa bisinidad ng Brgy. Sinuknipan 1, Del Gallego dakong alas–7:15 ng gabi.

Bigla na lamang umanong sumulpot sa lugar ang mga armadong salarin at niratrat ang biktima  na duguang bumulagta sa insidente.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang motibo ng krimen.

Show comments