Bagong laya dedo sa tandem

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 21-anyos na bagong laya sa kulungan matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa General Santos City, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib, likod, at sa ulo ang biktimang si Juary Atong ng Purok Saludin sa Barangay Labangal. Base sa police report, nakisakay ang biktima sa traysikel ng kaibigan at may kasama itong dalawang lalaki patungong downtown. Habang binabaybay ang highway, tinabihan ng tandem ang traysikel saka binaril ang mga sakay nito kabilang na ang biktima. Nakaligtas naman ang driver at dalawang kasama ng biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments