MANILA, Philippines – Matapos ang apat na taong pagtatago, naaresto ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang itinuturing na 2nd most wanted na kriminal sa isinagawang operasyon sa Imus City, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Dionisio Bascucuin, delivery man at nakatira sa Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat ni Regional CIDG Chief P/Sr. Supt. Felipe Natividad, si Bascucuin ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Norberto Quisumbing Jr. ng Imus City Regional Trial Court Branch 21 noong Hulyo 22, 2011. Nabatid na ang suspek ay isinasangkot sa pagpatay sa biktimang si Eddie Supresencia noong Agosto 16, 2005 sa Dasmariñas City, Cavite.