3 arestado sa drug bust

QUEZON, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlo-katao kabilang ang itinuturing na numero unong tulak ng bawal na droga makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency sa ilinatag na operasyon sa Sitio Salvacion, Barangay Buensuceso sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ryan Mendoza, 34, nasa drug watchlist; Leonard Merabite, 27; at si Marciano Santos, 48. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad sa hideout ng mga suspek base na rin sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 29-32 sa Laguna. Nasamsam sa mga suspek ang 17 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Show comments