2 kampo ng NPA, nakubkob

MANILA, Philippines – Dalawang malalaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nakubkob ng  tropa ng militar sa isinagawang  security operations sa mga bayan ng Tubungan at ­Mia­g-ao sa Iloilo, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Major Ray Tiongson, spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division,  unang nakubkob ng Army’s 82nd Infantry Battalion ang kampo ng mga rebelde sa Barangay Igpaho sa bayan ng Tubungan noong Sabado.

Maaaring okupahan ng 70-katao ang 12 bunkers na may 15 posts, dalawang palikuran, classroom at kusina.

Sumunod namang nakubkob ang isa pang kampo ng mga rebelde sa Barangay Ongyod sa bayan ng ­Mia­g-ao kung saan aabot sa 50 rebelde ang maaaring pagkasyahin na may 20 bunkers,  5 observation post, dalawang palikuran at  administrative building.

Sa tala ng Army’s 3rd Infantry Division, umpisa noong 2014 ay nasa 42-kampo na ng NPA ang nakubkob ng militar kabilang ang 18 sa Panay at 24 naman sa Negros.

“The discovery of these NPA camps is a clear manifestation of the NPA’s wa­ning group. They continue to lose their grounds and their mass base of support,” pahayag ni Lt. Col. Eric ­Uchida, commander ng Army’s 301st Infantry Brigade.

Show comments