Magka-live-in tiklo sa P.7-M shabu

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 33-anyos na Nigerian at Pinay na ka-live-in nito matapos ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Fernando City, Pampanga, ayon sa ulat kahapon. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Paul F. Omina, Nigerian; at Merlyn A. Ates, 32, mga residente sa Barangay San Antonio 1, bayan ng Tanza, Cavite. Isinailalim sa surviellance ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio ang magka-live-in bago isagawa ang operasyon sa loob ng kilalang fastfood chain sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa nasabing lungsod. Nasamsam sa dalawa ang 200 gramo ng shabu na may street value na P.7 milyon.

 

Show comments