Abu Sayyaf pinatay ang isang tiktik na miyembro

MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf  dahil sa umano'y paniniktik at pagtataksil sa grupo sa Basilan, ayon sa militar ngayong Biyernes.

Kinumpirma ni Capt. Ma. Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Armed Forces' Western Mindanao Command, na pinatay ni Abu Sayyaf leader Furuji Indama ang miyembrong si Ralphy Lahanan alyas Kaloy, 20.

Pinagbabaril ni Furuji si Lahanan nitong Sabado sa Barangay Baguindan sa bayan ng Tipo-Tipo habang sakay ng motorsiklo.

Show comments