Remittance center hinoldap

CAVITE, Philippines – Muli na namang natangayan ng malaking halaga ang isa sa sangay ng LBC Remittance Center matapos holdapin ng apat na armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite. Ayon kay PO2 Dexter Anadilla, bandang alas-11 ng umaga nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang isa sa sangay ng nasabing remittance center kung saan nagpanggap na mga customer ang mga holdaper. Agad na nagdeklara ng holdap ang apat kung saan nilimas ang malaking halaga ng remittance center at maging ang mga personal na gamit at pera ng mga costumer na nakilalang sina Leslan Andaya ng Town and Country Subd., Brgy. Burol 1 sa nasabing lungsod; Frank John Carillo ng Brgy. San Juan; at si Sarah Jane Medrano ng nabanggit na barangay kung saan nakatakas ang mga holdaper na lulan ng dalawang motorsiko.

Show comments