Ambush: City engineer dedo

BULACAN, Philippines – Bulagta ang beteranong assistant city engineer matapos itong tambangan ng motorcycle-riding assassins sa Barangay Calvario, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Meycauayan City Doctors Hospital ang biktimang si Eng. Reynaldo Rivera ng Barangay Calvario sa nasabing lungsod. Base sa inisyal na ulat ng pulisya, palabas ng gate ng kanilang bahay ang biktimang lulan ng service vehicle patungo sa trabaho nang ratratin bandang alas-9:30 ng umaga. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments