TUGUEGARAO CITY, Philippines - Apat na sundalo ng Philippine Air Force ang malubhang nasugatan matapos salpukin ang sinasakyan ng mga itong military truck ang isang nakaparadang tanker sa gilid ng highway ng Barangay Cupang, Sto. Tomas, La Union kamakalawa. ?Kinilala ni SPO2 Salvador Espiritu ang mga biktima ns sina MSgt. Carlos Rabsan 54, TSgt. Lindel Mabalot 45, Sgt. Jeremy Fontanilla, 34 at ang driver na si S/Sgt. Ramelo Baldemor na nakatalaga sa 580th Aircraft Control and Warning Group sa Wallace Air Station sa San Fernando City.? Lumalabas sa imbestigasyon na pumutok ang isang gulong ng truck dakong alas-9 ng gabi sa likurang bahagi na sanhi ng pagkawala ni Baldemor ng kontrol sa manibela. Wala naman napaulat na nasaktan sa nakaparadang tanker.? Isinugod ng mga sumaklolong katao ang mga biktima sa Family Hospital sa katabing bayan ng Agoo.(Raymund Catindig)