CAVITE, Philippines – Patay ang 26-anyos na factory worker na sinasabing nagmomotorsiklong lango sa alak matapos itong sumemplang at masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Trece Martires City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Algin Villanueva ng Barangay Tinunga, bayan ng General Trias sa Cavite habang inaresto naman ang driver ng Dionets Bus Liner (DWR 967) na si Rene Renomeron. Sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagpagiwang-giwang ang motorsiklo ng biktima saka sumemplang sa kabilang linya ng kalsada kung saan nasagasaan at nakaladkad pa ng bus.