3-katao kritikal sa pagsabog

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang 2-anyos ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumabog ang ginagawang pampasabog sa illegal fishing sa Barangay San Andres, bayan ng Pandan, Catanduanes kamakalawa ng umaga. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Pandan District Hospital ang magka-live-in na sina Geneva Barro at Jason Icaranom, at ang 2-anyos nilang anak na si Genson Jing Barro na pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa inisyal na ulat ng pulisya, sinasabing gumagawa ng pampasabog ang magka-live-in sa kanilang bahay nang biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog. Nabatid na naninigarilyo sa sala ng kanilang bahay si Jason nang maganap ang pagsabog.

Show comments