Trader itinumba sa palengke

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na negosyante matapos ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng palengke sa Bonifacio Street, Cotabato City, Maguindanao kahapon.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Nasser Salik Guiamad, buy and sell agent at residente sa Campo Muslim, Mother Bagua, Cotabato City.

Ayon sa pulisya, nakatayo lamang ang biktima sa harap ng fruit stand sa old market site nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang gunmen.

Sinamantala ng gunmen na makihalo sa mga mamimili na nagpulasan sa iba’t ibang direksyon sa takot na madamay sa pamamaril.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 at cal. 9mm pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments