2 estudyante dedo sa bike crash

CAMARINES NORTE, Philippines -  Bulagta ang dalawang estud­yante habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa punungkahoy na nasa gilid ng highway sa Barangay Hobo, bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Nabatid na magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktimang sina Reymart Castro, 21, ng Brgy Sabang, Naga City; Miguel John Braga, at si Sharmaine Galias nang nawalan ng control sa manibela si Castro kaya nahulog sa kanal at sumalpok sa punungkahoy. Namatay sina Castro at Braga habang si Galias ay nasa kritkal na kalagayan. Napag-alamang walang lisensya si Castro sa pagmamaheno ng motorsiklo. Patungo sana sa eskuwelahan ang mga biktima nang makasalubong si kamatayan.

Show comments