17-anyos stude, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na problemadong estudyante matapos itong magbigti sa bahay ng kanyang lolo’t lola sa Purok 2, Barangay Busay sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-11:33 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Jason Mercadero, 1st year sa kursong BS Electrical Eng’g sa Divine Word College of Legazpi at residente sa nabanggit na lugar. Narekober ang suicide note ng biktima na pinaniniwalaang may matinding problema sa pag-aaral sa kolehiyo.

Show comments