Shootout: Lider ng grupong kriminal, patay

MANILA, Philippines - Napaslang ang notoryus na lider ng grupo ng mga kriminal matapos na maki­pagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Inspector Dahlan Samuddin, spokesman ng regional PNP office ang napatay na si Heronides Bacabis alyas Commander Cordova ay wanted sa mga kasong murder, rape at unjust vexation sa bayan ng Baliguan.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormas­yon ang pulisya na naispatan si Commander Cordova sa kaniyang pinagtataguan sa nabanggit na barangay.

Agad namang rumes­ponde  ang arresting team ng pulisya upang dakpin si Commander Cordova pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan mga operatiba kaya napatay.

Nagpapatuloy naman ang  hot pursuit operation ng pulisya laban sa nalalabi pang kasamahan ni Commander Cordova.

Show comments