Dalagita pinilahan sa kubo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napariwara ang kinabukasan ng isang dalagita matapos itong pilahan ng tatlong kalalakihan kabilang ang kanyang textmate sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa. Itinago sa pangalang Wendy ang biktimang out-of- school youth at nakatira sa Barangay Pogonsino sa nasabing bayan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ian Dave Lodriguito, ka-textmate ng biktima; Harvey Lodriguito, at isang alyas RJ na residente sa Barangay Quirino. Nabatid na sinundo ni Ian ang biktima sa harapan ng pamilihang bayan ng Bagabag bago ito dinala sa kubo malapit sa kanilang lugar. Dito na hinalay ni Ian ang biktima kung saan sinundan naman ng dalawang iba pang suspek. Nakatiyempo namang makalabas ng kubo ang biktima at humingi ito ng tulong sa kanyang kapatid.

Show comments