Kinalasan ng lover, nagbigti

BULACAN, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 38-anyos na babae na sinasabing kinalasan ng kanyang lo­ver matapos itong magbigti sa Barangay Pajo, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Nakapulupot pa ang kable ng kuryente sa leeg nang matagpuan ang biktimang si Rosie Arcenal, tubong Sorsogon at nakatira sa Barangay Bañga sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni PO3 Francis Albert Reyes, dinalaw ng biktima ang nirerentahang apartment ng kanyang lover na si Joemar subalit hindi nito nadatnan.  Ilang oras pa ang nakalipas ay natagpuang nakabitin ang biktima matapos dumating ang kaibigan ni Joemar na si Ervin Fajardo. Pinaniniwalaang nagbigti ang biktima sa pag-aakalang nilayasan na siya ng lover.

Show comments