Mag-utol natusta sa sunog

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalang kapabayaan ng mga magulang kaya namatay ang mag-utol na babae matapos  makulong sa kanilang bahay na nasusunog sa Purok 2, Barangay Poblacion North, Muñoz City sa Nueva Ecija noong Martes ng gabi. 

Kinilala ang magkapatid na sina Arlene Iligan, 6; at Trixie Iligan, 1, habang nakaligtas naman ang dalawang mag-utol na sina Arnel Iligan, 9; at Arnold Iligan Jr., 8. 

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, provincial director ng Nueva Ecija PNP, ang mga biktima ay iniwan ng mga magulang na sina Arnold Iligan Sr., at Evelyn dela Cruz Iligan kung saan nanood ng barangay night sa Pag-asa Gym.

Dahil sa pagkalat ng apoy ay nahirapan ang magka­patid na Arnell at Arnold na masagip sa nasusunog na bahay ang dalawa nilang kapatid na babae.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, sinadya ang sunog matapos mamataan ang isang di-kilalang lalaki na nagmamadaling umalis mula sa likurang bahay ng pamilya Iligan bago sumakay ng motorsiklo.

Show comments