TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P70 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Region matapos ang tatlong araw na operasyon sa kabundukang bahagi ng Kibungan, Benguet kamakalawa. Sa ulat ni PDEA Cordillera Director Donald Allan Ricardo, sinalakay ang 11 planting sites ng marijuana sa mga sitio ng Takip at Dalipey sa Barangay Tacadang sa nabanggit na bayan. Wala namang naarestong maintainer o cultivator sa operasyon subalit nasamsam naman ang malaking hydraulic jacks, weighing scales at ilang paraphernalia na ginagamit sa repacking ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks. Aabot sa 80,000 puno ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon.