Utol binoga; kuya nag-suicide

CAVITE, Philippines – Sa paniniwalang napatay ang nakababatang utol, nag-suicide ang 52-anyos na Koreano matapos itong magbaril sa sarili kamakalawa ng gabi sa Dasmariñas City, Cavite. Malubhang ginagamot sa De La Salle University Medical Center ang biktimang si Insang Choi, 51, ng Barangay San Agustin II sa nasabing lungsod. Kinilala naman ang nagbaril sa ulo na si Un Sang Choi ng Saving Grace Dormitory sa Manuela Ville Subd. sa Barangay Burol Main sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na naganap ang krimen sa dormitory ni Un Sang matapos magkatampuhan ang magkapatid na Koreano sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments