SUV vs bike: 2 magsasaka dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sinalubong ni Kamatayan ang dalawang magsasaka matapos salpukin ang kanilang motorsiklo ng Isuzu SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Barcolan, bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa ng gabi. ?Kinilala ni P/Senior Insp. Calixto Labang ang mga namatay na sina Ronielen Dannug, 47; at Alexander Gangan, 54, mga nakatira sa Barangay Mabini sa nasabing bayan habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng SUV na si Brylle Benjam Arcain, 21, kawani ng San Jose Norte National High School sa bayan ng Mallig, Isabela.? Pinaniniwalaang nakaidlip ang driver ng SUV kaya inagaw nito ang linya sa kabilang kalsada at nasalpok ang motorsiklo ng dalawa.

Show comments