Bombing silat

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga awtoridad ang tangkang pambobomba matapos marekober ang isang bomba na itinanim sa Poblacion ng bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon.

Sa ulat ng North Cotabato Police, ang bomba ay nadiskubre dakong alas-9 ng umaga ng ilang residente sa kahabaan ng Datu Piang Street sa  Poblacion ng bayang ito.

Agad namang nag­responde ang mga elemento ng pulisya bitbit ang K9 dogs  na agad ikinordon ang lugar matapos na mag­positibo na bomba ang itinanim dito ng  mga pinaghihinalaang lokal na teroristang grupo.

Ang bomba ay  mabilis namang nai-detonate ng mga Explosives and Ordnance team ng pulisya bago pa man ito maka­pinsala.

Nabatid na ang Improvised Explosive Device (IED) ay gawa sa rifle grenade  na ginamitan ng cell phone bilang triggering device.

 

Show comments